12 Abril 2025 - 13:00
Sinabai ng Pinuno ng Ansarullah: Nilabag ng Israel ang tigil-putukan laban sa Gaza sa suporta ng U.S

Sinabi ng Pinuno ng kilusang Ansarullah ng Yemen, na si Seyyid Abdul-Malik al-Houthi, na nilabag ng rehimeng Israeli ang kasunduan sa tigil-putukan sa Gaza Strip, sa may suporta mula sa Estados Unidos.

Ayon sa ulat na iniulat ng Ahensyang Pandaigdigang Balita ng Ahl Al-Bayt (sumakanila nawa ang kapayapaan) -: Balitang ABNA :- Tinawag ni al-Houthi noong Huwebes ang mga hakbang ng Israeli bilang genocide laban sa mga Palestino, na pinupuna ang rehimeng Israeli sa hindi pagtupad sa mga pangako nito sa ilalim ng kasunduan sa tigil-putukan.

Ang rehimen, na hinimok ng Washington, ay binalewala ang mga tuntunin ng kasunduan at pinalaki ang mga operasyong military nito laban sa Gaza, aniya.

Pinuna din ng Pinuno ng Ansarullah ang pagtrato ng Israel laban sa mga bilanggo ng Palestino na isang mahalagang isyu para sa mga Palestino.

Tinuligsa pa ni Al-Houthi ang mga plano ng Israeli para paalisin ang mga Palestino mula sa kanilang sariling lupain sa Gaza at sa West Bank, at ang pagsasara ng mga paaralan ng UNRWA sa mga sinasakop na teritoryo, na itinuring niyang isang paglabag sa karapatan ng mga Palestino, pagadating sa edukasyon.

Sinabi rin niya na ang mga panibagong agresibong pag-atake ng mga Israel ay nagpalalim sa makataong krisis laban sa mga mamamayang Palestino, sa Gaza.

……………….

328

Your Comment

You are replying to: .
captcha